Pinapagana ng Blogger.

Archive sa Blog

Stuffed inihaw na giant pusit



Mga sangkap:
·         1 pc. malaking posit
·         3 pcs. Loaf bread na dinurug sa evaporated milk
·         30 grams carrots
·         30 grams red onion (julienne)
·         30 grams onion leaks (julienne)
·         30 grams celery (julienne)
·         30 grams red bell pepper (julienne)
·         30 grams green bell pepper (julienne)
·         30 grams ginger (julienne)
·         ½ evaporated milk
·         ¼ tasa calamansi juice
·         4 pcs. siling panigang
·         1 tbsp. Chicken powder
·         1 tsp. asin
·         1 tsp. asukal

Paraan ng pagluluto:
1.      Linisin ang posit. Tanggalin ang matitigas na bahagi nito na parang shell sa bandang ulo. Tanggalin ang galamay. I-season ng asin, paminta at calamansi juice.
2.      Sa isang lalagyan ay paghalu-haluin ang mga sangkap ng gulay at mashed loaf bread with milk, pati na ang chicken powder.
3.      Lagyan nan g filling ang loob ng posit. I-lock ang galamay mula sa ulo gamit ang toothpick. Gumamit ng steel barbecue skewers at tuhugin ang posit. Maaari na itong iihawin sa uling hanggang sa maluto na ito.

Para sa paggawa ng sauce:
·         Pagsama-samahin sa isang lalagyan ang ½ cup soy sauce, ½ cup vinegar, 1 tsp. chopped garlic, onion, tomato and 1 tsp. sugar.

                                                                              Credit By Chef Boy Logro

0 (mga) komento