Pinapagana ng Blogger.

Archive sa Blog

Make Perfect Tempura Step-by-Step



Ang Tempura ay ang paraan or technique of dipping fish or vegetable into a batter and frying them. Ang salitang tempura ay hindi nagmula sa Japan kundi sa Portugal. Hanga ang salitang tempura sa Portuguese word ba tempero, na ang ibig sabihin ay isang spicy condiment or peppery seasoning.
Tempura was introduced to Japan noong mid-sisteenth century by Portuguese Jesuits, Kasabay ng panko at tonkatsuwere na buhat din sa Portugal. Ang tempura ay pinaniniwalaang umani ng katanyagan sa Southern Japan, at ang salitang tempura ay ginamit nang malawakan para tumukoy sa kahit anong pagkain na ipinepara using hot oil, kasama na ang ibang mga pagkaing mayroon na noon pa sa Japan. Sa ngayon, ang salitang tempura ay karaniwang tumutukoy sa satsume age, a fried fish cake which is made without batter.
So, knowing that, tenang magluto ng tempura!

Mga Sangkap:
·         ½ kilo malalaking hipon, suwahe
·         700 grams Showa
·         1 cup Kikkoman
·         1 Sweet rice mirin
·         1 tbsp. Hondashi
·         2 tbsp. sugar
·         Grated ginger
·         Grated white raddish
·         Eggplant
·         Okra
·         Cornstarch
·         4 pcs. Eggyolk
·         2 ½ cup water
·         500 grams cube ice
·         Mantika for deep frying
PARAAN NG PAGLULUTO:
1.      Simulan natin ang pagluluto sa tempura sauce. Lalagyan natin ng 2 cups of water ang kaserola. Tandaan na kapag gagawa ng tempura sauce, ang gagamitin ay Kikkoman. So 1 cup of Kikkoman sa kaserola. Then, sweet rice mirin. Para malaman ang lasa nito ay kailangang tikman. Then Hondashi. Isda ito na dry, parang daing tapos dinudurog nila. Hindi masarap ang tempura kung walang Hondashi. So add natin ‘yung 1 tablespoon ng Hondashi. Then 2 tablespoons of sugar.

2.      Kapag tempura, never mong pakuluin nang matagal. Ang tawag ditto ay one time boil. Kumulo lang ng isang beses, tama na. Patayin mo na. Sa industry o Japanese restaurant, inilalagay ito sa thermos or air pump. Para hindi malamigan at kapag inihain sa mga custumer ay maiinit ang tempura sauce. So, ngayon natin ilagay ‘yung ating grated ginger at grated white raddish. I-grate ito ng paikot, hindi pababa o pahaba. Iikot-ikot ito hanggang sa madurog. Grudge ang tawag ditto. Sa Japanese ang tawag ditto ay Daikun/Daikon. Idagdag natin ito kapag kumulo na.

3.      Next we start with the eggplant, tulad nang itinuro ko kanina. Hiwain ito katulad ng seesaw. Hahatiin. Kapag may tao sa loob ng talong, huwag ninyong gamitin. Naintindihan nyo ba ang ibig sabihin nang may tao? ‘Yung may ganu’n (hand gesture; ginagalaw ‘yung hintuturo at middle finger nang back and forth). Huwag iyon gamitin at palitan. Para siyang swing, na kapag tinulak mo, gumagalaw ito na parang seesaw. Pagkatapos ay hihiwain natin nang 8 times. At hahatiin na karate para maging fan, then ilagay natin sa cornstarch. ‘Yung okra naman ay hiwain sa dalawa at ilagay din sa cornstarch.

4.      Then shrimp naman. First ipapakita ko muna sa inyo. Narito ang paraan kung paano tatanggalin ang bituka. Gamit ang bamboo stick, tutusukin natin ‘yung bituka at hihilahin tapos babalatan at kikiskisan ang buntot. Kapag VIP, ang ginagawa ay tinatanggalan ng dumi sa buntot. Kasi ayaw nila na may dumi ang kanilang tempura. Nakikita ninyo ‘yung tulos, tatanggalin lang. Tapos kikiskisin. Then ito na ‘yung pinaka sensitive part ng hipon. Kailangang maging serious kasi kapag nagkamali ka ng hiwa, babaluktot ulit ito. Kaya technique ito, kahit saan panig ka pa ng mundo magpunta, standard ito.

5.      Tihaya ang hipon, nakataob. Then may sequence ang paghiwa. Ito ‘yung pinakamahalaga sa lahat, ‘yung technique na gagawin natin. Hiwaan ito nang lengthwise nang 6 times, itulak ito sa side at humiwa muli nang lengthwise 6 times. Gawin ito hanggang sa mapuno ng hiwa ang apat na sides. Pagkatapos ay ibalik sa unang position o itaob ulit, gawin ang parehong hiwa.

6.      Then ilagay sa cornstarch. Hanapin ‘yung ibabaw. Laging tandaan kung nasaan ang ibabaw at ang kamay ay naka-postura nang pang-bading. Tapos ay pisilin ito nang dahan-dahan. At kapag narining ninyo ‘yung sound na parang may natuklap. Pag narinig na ‘yun, punitin ito. Dahil kung hindi mo pupunitin parang lupaypay na walang kalaban-laban ‘yung hipon. Saka kung hindi siya babaliin, pag niluto mo siya babalik ito at magiging baluktot. Kapag nangyari ‘yun, hindi tempura ang tawag du’n kundi camaron. Kapag nasanay na kayo, kailangang mabilis ang pag hiwa dahil sa Japan hindi pwede ang pabagal-bagal. Pero dahil demo, mabagal. Tandaan kung saan pahilis ang paghiwa. Dahil kapag nagkamali kayo, masisira ito.

7.      Isawsaw ito sa cornstarch pagkatapos ay sa tempura batter. Ang Tempura batter natin ay 700 grams ng Showa, Ang Showa ay isang tempura flour. Kailangan ito ang gamitin upang maging maganda at lasang tempura talaga ang ating lulutuin. Ang Showa na ito ay mayhalo na 4 pieces of egg yolk, ½ cup ng tubig at 500 grams na cube ice. Kailangan may cube ice para hind imaging sticky ‘yung ating tempura batter.

8.      Ihanda ang mantika sa deep-fry, kailangan deep-fryer ang gagamitin upang mabilis at even ang pagkakaluto ng hipon. Prituhin ito gamit-gamit ang strainer para hindi masisira ang katawan ng tempura o di kaya ay mahiwalay ang batter sa hipon kapag ito ay hinango na. Gayundin ang talong at okra. Pagkatapos ay ilagay ito sa isang absorbent paper or paper towel upang masipsip nito ang excess oil na manggagaling sa tempura, talong at okra. I-serve na ito kasama ang tempura sauce and ‘yung puree ng radish at ginger.

                                                                           Credit By Chef Boy Logro

No related article available

0 (mga) komento